Showing posts with label Events. Show all posts
Showing posts with label Events. Show all posts

1.07.2009

Star Tollway Toll Fee Increase

Aba naman, ano ga areh?! Puro pamasahe ang topic ngayon ah! hehehehe. Kamusta na ga kayo? Ano na naman kaya ga aring bagong balita na napulot ko diyan sa tabi-tabi?

Akala ko pa naman eh nagbaba na ang mga pamasahe, eh bakit naman kaya itong toll fee naman ang itataas? Hay naku! Maganda ang karsada kasi bago, yun nga lang eh tumataas ang bayad. Kailangan ga talaga iyon? Hindi naman yata eh.

Sa bagay, sa akin naman eh ok laang, wag lang napakalaki ng itataas. Lagi ko pa namang dala yung aking V-Tec. (V-Tecleta. Hehehehe.)

Ano ga mga batangueƱo? Kamusta na ga?

ituloy ang pagbasa...

12.19.2008

PUJ General Fare Guide

Ano ga? Kumusta ga ang mga BatangueƱo?

Wag na naman kayong gagaya sa akin na nalilito kung magkano ang ibabayad sa jeep. Hahaha. Hindi ko nga ngayon malaman kung magkano eh. P8.00 pa din ang ibinabayad ko, ay yun naman pala eh nakapag-rollback na. Haaay. nagkakagulo tuloy ang mga pasahero dun sa jeep na nasakyan ko kanina. Kung anu-ano ang parinig dun sa Jeepney Driver.

Kainaman nga naman talaga eh. Haaaay. Basta ako'y nabayad na laang. Yun naman ang mahalaga duon eh, yung may pambayad ka sa jeep. Ay kung wala kang pambayad eh, paano mo mararating ang bayan? Hahaha.

Ay ako ngayon eh nagresearch... Ay areh ang nakita ko, TARIPA!

Tingnan ang bagong taripa. Click here!

ituloy ang pagbasa...

12.04.2008

Marian Statue, Higher than Liberty?

Kumusta kayo? Narinig ko ang balitang ito na may itatayo palang malaki at hindi lang malaki kundi malaking-malaking Marian Statue dito sa Batangas. Talaga lang ha?! Hehehe. Ginagawa daw ito nung si Eduardo Castrillo, kilala niyo ga yun? Ala ay ka galeng naman! Alam niyo na ga kung gaano kalaki? Ganito daw yun eh, ang taas daw eh 92.9 meters o 204 talampakan. Ala eh kakalahati ang Liberty Statue, bakit? Ay paano ga'y 46.5 metro lang yun! Kakalahati eh! Kaya ito daw ang tatanghaling "Pinakamataas na Marian Structure sa buong mundo!" Kow! Dun daw itatayo sa Pagkilatan, Batangas.

Aanhin kaya ga yaan?

ituloy ang pagbasa...

12.03.2008

Regional Press Conference 2008

Huh! Ayos ang mga estudiyante ngayon ah! walang pasok ang mga school tulad ng BNHS at ung iba pang school na gagamitin daw ng mga delegates para tulugan. hahaha. sandamakmak na trapik ang inabot ng mga tao sa bayan kahapon dahil sa para-parada ng mga estudyanteng kalahok.. kamusta naman ang idinulot sa inyo nito? May mapapala kaya ga naman jan!?

Sana naman e may matutuhan ang mga tao sa mga pinaggagawa ng mga batang yuon! hahaha. kasali din ako jan before eh.. Nung ako e High School pa lang.. EIC pa ako ng newspaper namin. Kaso wala akong panalo. Kaya eto, blogging ang inabot. hahaha. Tapus na ako ngaun ng college at iniicip ko kung ano ba talaga ang naitulong nitong Press Conference saken..

ituloy ang pagbasa...