Huh! Ayos ang mga estudiyante ngayon ah! walang pasok ang mga school tulad ng BNHS at ung iba pang school na gagamitin daw ng mga delegates para tulugan. hahaha. sandamakmak na trapik ang inabot ng mga tao sa bayan kahapon dahil sa para-parada ng mga estudyanteng kalahok.. kamusta naman ang idinulot sa inyo nito? May mapapala kaya ga naman jan!?
Sana naman e may matutuhan ang mga tao sa mga pinaggagawa ng mga batang yuon! hahaha. kasali din ako jan before eh.. Nung ako e High School pa lang.. EIC pa ako ng newspaper namin. Kaso wala akong panalo. Kaya eto, blogging ang inabot. hahaha. Tapus na ako ngaun ng college at iniicip ko kung ano ba talaga ang naitulong nitong Press Conference saken..
12.03.2008
Regional Press Conference 2008
12.01.2008
Universities' Own SIM Card
Ok ang mga padale ng mga unibersidad natin dito sa Batangas ah, kanya kanya ng SIM card eh! Kumusta naman ang bagong mga teknolohiyang ito? Kung hindi ako nagkakamali e Lyceum ang unang nagpauso nito sa Batangas, tapos sinundan naman ng UB. Hmmmm. Kamusta kaya naman ang isa pang malaking unibersidad saten tulad ng BSU, may BSU SIM din kaya sila? Why not, di ba? Ok din eh, ano?
Ung Lyceum SIM eh powered by Globe, kung hindi ako nagkakamali. Samantalang ung mainit-init pang UB SIM naman eh powered by Smart(pang-Alltext!). Ang nakikita ko jan eh pag nagkaroon ang BSU ng SIM card na kanya eh babanatan ng powered by Sun Cellular! (Hanep!, free call! Sana nga...) Tapos ung ibang school na maliliit tulad ng AMA, STI, etc. etc., sila naman ung latest na "RED Mobile" (hindi pa ako nakakakita nun! hehehe.)
So, yun lang naman...Gusto ko lang kumustahin ang ating mga kababayang estudiyante tungkol sa bagong SIM card nila ngayon...