11.30.2008

A Little Introduction

Kumusta kayo? Ako nga pala eh taga dine sa Banaba West, Batangas City. Kayo ga? Taga saan kayo?

Ako eh sobrang naiinip, wala kasing kasama dito sa bahay kundi ang aking computer. Hay naku! Kumusta na ga ang mga taga Batangas? Medyo lumalamig na dito sa atin eh. Mabuti nama un, kasi hindi masyadong nakakairita ang paglalakad sa kalye. Hehehe. Galing ako sa SM kahapon eh, marami din naman tao. Dumaan laang naman ako sa CD-R KING. (Nagtatanong ng mouse. Hehehe.) Pagkakamura ga dun ng mga gamit sa computer at ng gamit ng kung ano-ano, kaya kahapon eh siksikan din eh. Kayo laang eh mag-iingat sa mga mandurukot.

Ngayon eh magpo-post na ako dito sa Blog na ito ng mga bagay na nakikita ko dito sa Batangas. Siguro eh maglalagay din ako ng mga tips para sa inyong lahat. Lalo na sa mga may planong pumunta dine...

So paano, hanggang dito na muna. Ingat kau..
Mamaya eh ako'y nandiyan sa Plaza Mabini.

Related Posts by Categories




0 comments: