5.26.2009

No Internet Connection on Limewire

Wala pa ring internet connection sa bahay namin! nakakainis na talaga!

ituloy ang pagbasa...

1.26.2009

Hello

Testing 123

ituloy ang pagbasa...

1.07.2009

Star Tollway Toll Fee Increase

Aba naman, ano ga areh?! Puro pamasahe ang topic ngayon ah! hehehehe. Kamusta na ga kayo? Ano na naman kaya ga aring bagong balita na napulot ko diyan sa tabi-tabi?

Akala ko pa naman eh nagbaba na ang mga pamasahe, eh bakit naman kaya itong toll fee naman ang itataas? Hay naku! Maganda ang karsada kasi bago, yun nga lang eh tumataas ang bayad. Kailangan ga talaga iyon? Hindi naman yata eh.

Sa bagay, sa akin naman eh ok laang, wag lang napakalaki ng itataas. Lagi ko pa namang dala yung aking V-Tec. (V-Tecleta. Hehehehe.)

Ano ga mga batangueƱo? Kamusta na ga?

ituloy ang pagbasa...

12.19.2008

PUJ General Fare Guide

Ano ga? Kumusta ga ang mga BatangueƱo?

Wag na naman kayong gagaya sa akin na nalilito kung magkano ang ibabayad sa jeep. Hahaha. Hindi ko nga ngayon malaman kung magkano eh. P8.00 pa din ang ibinabayad ko, ay yun naman pala eh nakapag-rollback na. Haaay. nagkakagulo tuloy ang mga pasahero dun sa jeep na nasakyan ko kanina. Kung anu-ano ang parinig dun sa Jeepney Driver.

Kainaman nga naman talaga eh. Haaaay. Basta ako'y nabayad na laang. Yun naman ang mahalaga duon eh, yung may pambayad ka sa jeep. Ay kung wala kang pambayad eh, paano mo mararating ang bayan? Hahaha.

Ay ako ngayon eh nagresearch... Ay areh ang nakita ko, TARIPA!

Tingnan ang bagong taripa. Click here!

ituloy ang pagbasa...

12.12.2008

Golden Globe Nomination 2009

Haay. wala akong magawa ngayon. Kanina ay naglaba!(patay tayo jan! Ahehehe.) Kita mo ung Title ng post ko?, Ahehehe. wala lang yan. Bakit, alam mo ga yan? Hehehe. Kung alam mo yan, eh di magcomment ka na sa baba!

Mabalik ako sa pinag-uusapan, sabi ko, wala akong magawa. yung 4 years kong ipinag-aral sa kolehiyo eh ito lang ang binagsakan ko! Taong tabon, este taong-bahay! hay naku. Kaya kayo, wag na kayong mag-college, magwawalis din lang naman ng harapan ang babagsakan.

ituloy ang pagbasa...

12.07.2008

Pacquiao - De La Hoya Is A Mismatch! Pacquiao Wins!

Huh! kainaman nga naman din naman! Talagang walang nagawa eh! Lotats talaga si De La Hoya eh, maski pa sabihing matangkad at mas mahaba ang galamay niya. Walang kwenta sya. Hehehe. Akala ko pa naman e kung sinong Golden Boy, Hahaha, Hindi ko mapigilang mapatawa eh! Kawawa naman ang face punching bag! Huhuhu! Uuwing plakda!

ituloy ang pagbasa...

12.06.2008

Talambuhay ni Manny Pacquiao

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao (ipinanganak noong Disyembre 17, 1978), na kilala lamang bilang Manny Pacquiao ay isang propesyonal na boksingero. Siya ay ipinanganak sa Kibawe, Bukidnon, Mindanao at nakatira sa kanyang sariling bayan sa General Santos City, Philippines. Siya ang kasalukuyang WBC Ligtweight Champion. Siya din ang dating WBC Super Featherweight Champion, Ring Magazine's super featherweight at featherweight champion, World Champion sa IBF Super Bantamweight, at WBC Flyweight Divisions. Si Manny ay ang unang Filipino at Asian boxer na nanalo ng apat na World Title sa iba't-ibang weight Divisions. Siya ay tinanghal bilang Ring Magazine pound for pound number 1 ranked boxer sa buong mundo noong Hunyo 9, 2008 pagkatapos inihayag ni Floyd Mayweather, Jr ang kanyang pagreretiro mula sa boksing.

Version 2:
Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (ipinanganak Disyembre 17, 1978) kilala sa palayaw na "Pacman", ay ang kasalukuyang WBC Super Fetherweight Kampeon ng Mundo at The Ring Super Featherweight Kampeon ng Mundo. Siya rin ay dating People's Featherweight Kampeon ng Mundo (mula 2003 hanggang 2005), dating Kampeon ng IBF Super Bantamweight (2001 hanggang 2004), at dating Kampeon ng WBC Flyweight Champion (1998 hanggang 1999). Sa gulang ng 25 taon, nagkamit na siya ng 41 mga panalo, 3 mga talo, at 2 mga tabla, kasama ang 30 panalo na knockout ang kalaban.

Mula sa Lungsod ng General Santos, Pilipinas, ang boksingero na kilala bilang The Destroyer ng kanyang mga kasama sa mundo ng boksing dahil sa paraan na ginagawa niya sa pagpigil at pagwasak sa kanyang mga katunggali at naghahamon. Mayroong siyang nakakasirang kaliwang buntal na may kakayahang matapos ang isang laban sa isang iglap.

Photo:

ituloy ang pagbasa...