12.06.2008

Talambuhay ni Manny Pacquiao

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao (ipinanganak noong Disyembre 17, 1978), na kilala lamang bilang Manny Pacquiao ay isang propesyonal na boksingero. Siya ay ipinanganak sa Kibawe, Bukidnon, Mindanao at nakatira sa kanyang sariling bayan sa General Santos City, Philippines. Siya ang kasalukuyang WBC Ligtweight Champion. Siya din ang dating WBC Super Featherweight Champion, Ring Magazine's super featherweight at featherweight champion, World Champion sa IBF Super Bantamweight, at WBC Flyweight Divisions. Si Manny ay ang unang Filipino at Asian boxer na nanalo ng apat na World Title sa iba't-ibang weight Divisions. Siya ay tinanghal bilang Ring Magazine pound for pound number 1 ranked boxer sa buong mundo noong Hunyo 9, 2008 pagkatapos inihayag ni Floyd Mayweather, Jr ang kanyang pagreretiro mula sa boksing.

Version 2:
Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (ipinanganak Disyembre 17, 1978) kilala sa palayaw na "Pacman", ay ang kasalukuyang WBC Super Fetherweight Kampeon ng Mundo at The Ring Super Featherweight Kampeon ng Mundo. Siya rin ay dating People's Featherweight Kampeon ng Mundo (mula 2003 hanggang 2005), dating Kampeon ng IBF Super Bantamweight (2001 hanggang 2004), at dating Kampeon ng WBC Flyweight Champion (1998 hanggang 1999). Sa gulang ng 25 taon, nagkamit na siya ng 41 mga panalo, 3 mga talo, at 2 mga tabla, kasama ang 30 panalo na knockout ang kalaban.

Mula sa Lungsod ng General Santos, Pilipinas, ang boksingero na kilala bilang The Destroyer ng kanyang mga kasama sa mundo ng boksing dahil sa paraan na ginagawa niya sa pagpigil at pagwasak sa kanyang mga katunggali at naghahamon. Mayroong siyang nakakasirang kaliwang buntal na may kakayahang matapos ang isang laban sa isang iglap.

Photo:

Related Posts by Categories




0 comments: